Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte ,
Aming
ginagalang na pangulong Rodrigo Duterte , ako po'y isang ordinaryong mag-aaral
at ordinaryong mamamayan. Tuwing ako'y ummuuwi ng bahay at nagsasalo ang aming
pamilya habang nanonood ng balita ay tila araw-araw ay ang kaliwa't kanang
pagpatay.
Ayon sa balitang aking napapanood , pinatay ang mga biktima
dahil sa umano'y nanlaban o walang habas na napatay, na di umano ay lumabag sa
pamamalakad na ipinatupad na war on drugs o ang paglaban sa pinagbabawal na
droga.
Tuwing aking napapakinggan ang mga ganitong usapan ay tila
nakakahabag na maya't maya, araw-araw na may namamatay. At sa mga pahayag na
yun ukol sa mga nabalita ay tila hindi mawawala ag mga umiiiyak at
nagmamakaawang mga pamilya ng mga biktima. Hindi rin mawawala ang mga
mamamayang tumutuligsa o kumokontrol
ukol sa programang yon. Na parang ipinagkukumpara ang nakaraang administrasyon sa ilalim ng dating pangulong Marcos. Na tila
ay mauulit muli ang mga kaganapang nangyari noon.
Hindi ko man naabutan
ang pamumuno noon ng dating pangulo ay nakakabahala ang mga ganitong mga usapin. Bilang ordinaryong magaaral, wala
man akong kakayahan tungkol sa usapang ito, sa sulatin na ito malaya kong napahayag ang aking saloobin na sana'y inyong
nababasa. Na tila mabahala sa ganitong mga nangyayari sa ating bansa. Paano
nalamang ang mga susunod na mga henerasyon sa ating bansa. Na kanila pa itong
mararansan. Sana po'y inyo itong nababasa.
Lubos na gumagalang,
Mariecon A. Prado
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento