Huwebes, Marso 30, 2017
Home Life
Ako'y namuhay at lumaki sa isang masaya at simpleng pamilya. Nakatira ako sa Hermana fausta Ext. Brgy. 1 Lucena city kung saan napakainggay pero masayang lugar. Kung saan kasama ang aking pamilya ang aking mga magulang at ang apat kong mg kapatid.
Sa paglaki ko rito maraming bagay akong natutunan sa buhay. Sa impluwensya na rin ng mga taong nakapaligid sa akin lalo na sa tahanan. Sa aming tahanan maraaming bagay akong mga natutunan. Maraming mga bagay na mga nangyayari o mga pangyayari sa aming tahanan. May masaya at syempre may malungkot.
Sa aming bahay laking tuwa ko at saya sa aking pamilya. Sa bahay namin na hindi naman kalakihan. Pero puno naman ng saya. Sa lahat nga siguro nang parte ng bahay namin may pinakapaborito akong parte ng bahay. Syempre ang kusina kaya nga siguro naging ganito ako kalaki dahil sa kain ako ng kain. Pangalawa rit ang bedroom o ang tulugan kung saan ako nakakapagpahinga. Kung saan din ako naging ganito antukin at lahing tulog. Mga parte ng bahay kung saan sila ang mga pinakapaborito ko. Dahil dito ako nakakapaglibang sa kusina ang pagkain ko. Sa tulugan kung saan hindi puro pagtulog lang ang aking ginagawa. Minsan ay dito rin ako nagbabasa gamit ang cellphone.
At dito sa aming bahay dito lang ako tumatambay hindi ako kagaya ng iba. Dahil mas gusto kong sa bahay lang kung hindi nagbabasa ay nagdradrawing ako. Basta hindi ako layas na bata mas gusto kong sa bahay lang at ginagawa ang mga gusto ko.
At sa bahay ding ito maraming mga pangyayari na punong puno nang mga masasayang pangyayari at hindi rin mawawala ang mga malulungkot na mga pangyayari sa bahay na ito. Mga memorable na pangyayari na hinding hindi namin malilimutan. Pangyayaring hinding hindi malilimutan ang aming pamilya. Nan mawala ang aking kapatid nang nangyari ito ay lugnmok na lugmok ang aming pamilya namin nung araw na yoon. Pero hindi mawawala ang pinakamasasayang pangyayari na naganap sa amin kagaya lang nitong bakasyon ang pagcecelebrate sa pagsapit ng pasko at bagong taon. Masaya kahit hindi na kami kompleto ay mas pipiliting maging masaya para sa aming pamilya.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento