Huwebes, Marso 30, 2017

Life with others




Lumaki ako sa isang malaki, masaya  at simpleng pamilya. Namuhay sa isang maingay at masayang  lugar kung saan nakasama ko ang iba't ibang tao sa aking paligid kung paano ko pakikitunguhan ang mga tao sa paligid. Nang aking kabataan namulat sa pakikisalamuha sa ibang tao. Lalo na nang tumungtong ako ng elementarya kung saan nahubog ko kung paano makipagkomunikasyon sa ibang tao.
Kung saan nakakilala ako nang mga ibang tao at nagkaroon nang mga kaibigan. Mga kaibigang nakilala at nakipagpalagayan ng loob at mga naging kasama sa mga bagay bagay. Turo kasi ng aking guro noon basta ba maging mabait ang pakikitungo mo sa ibang tao marami lang magiging kaibigan. Isama na rito ang palaging ngumiti sa ibang tao. Tiyak ay marami kang magiging kaibigan.
Lalo na nang pagtungtong ko nang  grade 6 sa isang pangpublikong paaralan kung saan ay nakasalamuha ko ang mga taong mga matanda na pero ako ayun isip bata parin siguro nga hanggang ngayon. Lalo na nung naging aktibo ako sa aktibidad sa aming paaralan lumahok ako sa mga ilang aktibidad sa skul sa mga poster making at iba pa. Basta ba may kinalaman sa  arts.
Bata pa lang siguro hilig ko na ang magguhit. Tanda ko pa noon ng ako'y kindergarten nakapagdrawing ako nang baka ang kaunahan kong nadrawing na hayop at nakakuha ng maraming star ng dahil doon. Siguro nga ay impluwensya na rin ng pamilya ko.
Lumaki ako sa pamilya nang mga marunong sa pagguhit impluwensya na rin nila kaya ako natuto. Ang aking mga magulang ay mga mananahi at marunong gumuhit lalo na  sa mga damit. At nang pagtungtong ko ng Senior Highschool sa kasalukuyan. Mas lalo kung napayabong sa ang aking pakikisalamuha sa ibang tao.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento