Huwebes, Marso 30, 2017

Inner Life





Sa aking sarili masasabi kong maayos naman ang paguugali ko lalo na sa pakikisalamuha sa ibang tao. Kung tatanungin ako sa aking sarili masasabi kong ayos lang ang pakikitungo sa lahat ng bagay.
Nakikita ko sa aking sarili ang salitang "successful" ngunit hindi ito mangyayari kung walang pagpapahalaga sa mga bagay bagay lalong lalo na ang pinakamahalaga ang pagaaral na hinding hindi makukuha sa iyo. Lalo na rin ang iyong talento. Lahat naman tayo mayroong  iba't ibang talento. Sa talento masasabi kong marunong akong gumuhit. Marunong lang hindi naman sa magaling. At ang pinakaayaw ko sa lahat ang pagkanta. Maraming nagsasabi na magiging sucessfull daq ang isang tao dahil sa angkjng talino at sa talento nito. Ang talentong ito ay ang aking magiging instrumento sa pagabot sa aking mga pangarap.
Pero lahat ng ito ay hindi mangyayari kung ipagpapatuloy ko ang aking katamaran. Pero kailangan kong magaral para magawa ito. Sa pagaaral pwede mong matamasa ang lahat. Simula bata pa lang ako ambisyon ko nang maging arkitekto hanggang nakapagaral nang elementarya at dito napagtanto kong ang hirap ng pagaarkitekto puro math hindi naman sa ayaw ko ng subjecrt na math ang gulo lang talaga hindi ko talaga alam kung slow poke o tamad lang talaga ako magaral ng math.
Nang dahil dito nabago ang ambisyon kong yoon dun na ko sa praktikal o demanding na trabaho ngayon. Syempre sa panahon ngayon sobrang hirap na lahat ng bagay. Ang pagigingguro sabi ng kuya ko sa pagtuturo hindi ko medyo hilig pero kung ang mga bata lang ang tuturuan ko. Gusto kong maging preschool teacher kung sa usapang pagtuturo. Dahil sa mahilig naman ako sa mga bata yun ang main ambition ko. Hindi parin mawawala ang iba ko pang pangarap ang pagiging arkitekto, designer at pagiging veterinaryo.
Pero hindi ko lahat to magagawa kung walang halong pagsisikap at tiyaga sa pagaaral. Lahat ng bagay na ito ay kailangan pagpahalagahan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento