Sabado, Pebrero 11, 2017

CRITICAL ESSAY




Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay ang sanaysay ".Ito ay nagmula sa dalawang salita ang "sanay" at "pagsasalaysay".Ito ay pampanitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.

Maituturing na sanaysay ang talambuhay dahil isa ito sa halimbawa ng sanaysay. Ang impormal o ang malikhaing sanaysay ay kinapapalooban ng mga salitang tungkol sa buhay o mga piling pangyayari sa buhay ng tao.

Ang naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng pampanitikang pilipino ay nagpapakita ng mga nangyayari sa bansa.Tunguhin ding makalaya ng mga Pilipino noong panahon ng Amerikano.

Nilikha ang sanaysay upang magbahagi ng impormasyon, magpaliwanag,umakit na paniwalaan natin ang sinasabi, tumutuligma sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa.

Ang malikhaing sanaysay ay kinikilala bilang anyong pampanitikan sa Pilipinas sinasabing ang saynaysay bilang anyong pampanitikan ay huling nakakit ang liwanag sa larangan ng pampanitikan.

Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pagaaral at malalim na pagkaunawa sa paksa at ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang araw-araw at personal.

Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay sapagkat ang mga nakapaloob dito ay mga salaysay na totoo o hindi kathang isip na gumagamit ng mga estratehiya at teknik ng maikling kwento: sanaysay na nagtatala sa tunay na tao o pangyayari.

Ang mga katangian ng malikhaing sanaysay na naisasalin at binibigyang-hugis ng kanyang kinalalagyan, maluwag, at umaangkop ang malikhaing sanaysay.

Ang malikhaing sanaysay bilang anyong pampanitikan ay may  mga katangian: kinakailangang  taglayin nito ang pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng isinulat, pananaliksik sa napiling paksa, pagninilay-nilay sa nakalap na datos; pagbabasa ng mga tekstong nakatulong sa pagsusulat at ang mismong akto ng pagsusulat.

Itinuturing na malikhaing sanaysay ang Blog o Blogging dahil ang blog ay nagmimistulang mga tala sa talaarawan o dyornal na mababasa sa internet.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento