Miyerkules, Pebrero 15, 2017

PHOTOESSAY












Pagtapon sa tamang basurahan.



Maling pagpapark ng sasakyan.




Pagsunod sa mga patakaran ng iba't-ibang istablisyemento.





Pagsunod sa tamang ruta nang mga pangpublikong sasakyan.
(Public Utility Jeep)

 

Tamang pagpapark sa pampublikong lugar.



Tamang babaan at sakayan ng mga pasahero.




Pagsunod sa one-way policy.






Pagrespeto at paggalang.




Martes, Pebrero 14, 2017

TAKLUB



         
Isang gabi na punong-puno ng sigawan kung saan ang tent ay tinutupok na ng sunog. Ang tent na pansamantalang tinutuluyan ng isang pamilya mula sa nasalanta ng bagyong Yolanda; Sunog kung saan natagpuan ang pamilya na tila natupok maliban sa padre pamilya na si mang Renato.
Mga pangyayari sa ating bansa na nararapat pagtuunan ng pansin o maresolba ng ating bansa.
Gabi kung saan tinutupok na ang tent na pansamantalang tinutuluyan ng pamilya ni mang Renato. Kung saan nagtutulong-tulong ang mga tao sa pagbuhos ng tubig upang maapula ang sunog na nangyayari
Ang pelikula ay tila ginawa upang maipalathala o maipahayag ang mga nangyayari sa ating bansa. Maipakita sa bansa ang mga nangyayari sa iba't ibang parte ng ating bansa. At, mapukaw ang atensyon sa ating manonood.
Mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahang mangyari. Isa na dito ang kalamidad na tila ay taon-taun na nating nararanasan sa ating bansa at tiyak na pangkaraniwan na lamng sa ating bansa. Ipinapakita sa pelikulang ito ang mga nangyayari nararanasan sa iilang parte ng ating bansa.
Mula sa pelikula, ipinakita dito ang mga sitwasyon o mga nangyari sa mga iilang pamilya na nararansan ito. Katulad ng mga pamilya sa pelikula na hindi alam kung saan pupunta dahil sa mga kalamidad na nangyayari.
Pelikulang nararapat panoorin ng ating mga pilipino upang maipakita sa ating mga pilipino ang mga nangyayari sa ating lipunan na tila ay hindi napagtutuunan nang pansin ng gobyerno natin, na tila hindi pa rin nareresolba ng ating bayan.


Sabado, Pebrero 11, 2017

REPORTAGE



Ginugunita ngayon ang International Human Rights Day o Pandaigdigang Deklarasyon ng Paggalang sa Karapatang Pantao kung saan ipinauunawa ang mga karanasan ng mga taong naging biktima ng pagmamalupit, mga mararahas, at kabi-kabilang pamamaslang sa panahon ni Ferdinand Marcos.

Isang pagtitipon-tipon ng mga iba't ibang tao o grupo na nagsusulong ng interes sa mga karapatang pantao ng bawat pilipino upang maunawan ng mga mamamayan kung ano nga ba ang karapatang Pantao. Nasususlong ba ito o nalalabag?

Sa programa na ito ipinauunawa sa bawat isa kung ano ang magiging tungkulin ng bawat isang Pilipino: kung ano ang iyong pakialam sa iyong bansa. At ipinanood rin rito ang pelikula at iba pang mga videos na nagpapakita sa paglabag sa karapatang pantao ng mga pilipno. Isinariwa rin rito ang malawakang paglabag sa karapatang pantao ang mga pagalala sa dating pangulong Ferdinand Marcos na itinuturing na diktador na pangulo dahil sa kalupitan o pasismo ng Batas Militar ni Marcos.

Dahil ang mga grupong ito ay nababahala na sa kasalukuyang mga nangyayari, ang kabi-kabilaang pagpatay sa programang ipinatupad ng bagong pangulong Rodrigo Dutarte ang paglaban kontra-droga na kanilang ipinagkumpara sa dating pangulong Marcos kung saan ay walang pinagkaiba sa dating pangulong pangulo dahil umabot na sa higit tatlong libo na ang biktima ng extrajudicial killings o malawakang pagpatay sa pagupo ng bagong pangulo.

Naging isyu rin rito ang patagong pagpapalibing sa dating pangulo kung saan marami nang nagproprotesta laban dito. Nang dahil dito kaliwa't kanan na rin ang nagproprotesta sa paglibing sa dating pangulong Marcos sa libingan ng mga bayani.

At naging isyu rin rito ang pagpapalaya sa political prisoner na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin ipinatutupad.

Sa kabi-kabilang mga issue na ito, marami na ang mga nababahala dahil sa malawakang paglabag ng karapatang pantao at dahil  na rin sa kaiwa't kanan na pagproprotesta ng mga mamamayan. Sila'y nababahala na mangyari muli ang mga karanasan at kalupitan noon sa pamumuno ngayon ng bagong pangulong Dutarte.

CRITICAL ESSAY




Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay ang sanaysay ".Ito ay nagmula sa dalawang salita ang "sanay" at "pagsasalaysay".Ito ay pampanitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu.

Maituturing na sanaysay ang talambuhay dahil isa ito sa halimbawa ng sanaysay. Ang impormal o ang malikhaing sanaysay ay kinapapalooban ng mga salitang tungkol sa buhay o mga piling pangyayari sa buhay ng tao.

Ang naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng pampanitikang pilipino ay nagpapakita ng mga nangyayari sa bansa.Tunguhin ding makalaya ng mga Pilipino noong panahon ng Amerikano.

Nilikha ang sanaysay upang magbahagi ng impormasyon, magpaliwanag,umakit na paniwalaan natin ang sinasabi, tumutuligma sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa.

Ang malikhaing sanaysay ay kinikilala bilang anyong pampanitikan sa Pilipinas sinasabing ang saynaysay bilang anyong pampanitikan ay huling nakakit ang liwanag sa larangan ng pampanitikan.

Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pagaaral at malalim na pagkaunawa sa paksa at ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang araw-araw at personal.

Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay sapagkat ang mga nakapaloob dito ay mga salaysay na totoo o hindi kathang isip na gumagamit ng mga estratehiya at teknik ng maikling kwento: sanaysay na nagtatala sa tunay na tao o pangyayari.

Ang mga katangian ng malikhaing sanaysay na naisasalin at binibigyang-hugis ng kanyang kinalalagyan, maluwag, at umaangkop ang malikhaing sanaysay.

Ang malikhaing sanaysay bilang anyong pampanitikan ay may  mga katangian: kinakailangang  taglayin nito ang pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng isinulat, pananaliksik sa napiling paksa, pagninilay-nilay sa nakalap na datos; pagbabasa ng mga tekstong nakatulong sa pagsusulat at ang mismong akto ng pagsusulat.

Itinuturing na malikhaing sanaysay ang Blog o Blogging dahil ang blog ay nagmimistulang mga tala sa talaarawan o dyornal na mababasa sa internet.